After two so-so years in PolSci and three awesome years in OrCom, I am finally finally exiting the halls of CAS. Graduate na ako. Graduate na ako. Ano na ngayon?
Nagpasa na ako ng bound thesis kanina na iniyakan ko pa kasi sabi ng magaling na CJ's xerox e 12nn ko daw makukuha. Alas quatro na, wala pa rin. Anyway, nagpasa nga ako. Kasama ko pa sa RH ang mommy ko dahil nagkita kami sa rob. Pagkatapos ko magpasa, naupo ako sa bench sa RH lobby. Tapos medyo surreal ung pakiramdam. Yung tipong, "shet isa na to sa mga huling beses na uupo ako sa bench na to."
Hindi ko maexplain, mas unsure yung pakiramdam ko kesa excited. Unsure dahil pagkatapos ng graduation rites, actually ngayon pa lang, nararamdaman ko na ang sarili kong nagtatanong ng isang malaking "now what?" Napakadaling sabihing magtatrabaho na ako, gusto ko maging brand manager, etc etc. Pero isipin nyo na lang, halos buong buhay ko, 16 years to be exact, nag-aaral ako. Isang malaking routine ng buhay ko ang mawawala. Syempre nung sinabi ko to sa nanay ko, sabi nya "Magdoktor ka na lang kaya". Tumawa ako pero pramis, sineseryoso ko ang mga comment na ganun at nasasaktan ako. Nalilito lang kasi ako lalo.
Andaming memories ng CAS, super successes at super Math failures din. OO, Math lang ang failure ko at napakasakit sa akin nun.
Sa UP ko natutunang maging independent at free thinker. Mas lumawak ang kaisipan ko at pag-intindi sa mga bagay bagay. Siguro dahil na rin yun sa mga taong nakakasalamuha ko. Hindi restricted sa isang stereotype ang mga naencounter ko. May mga theist at atheist (extremes ng parehas kung minsan), may mga komunista at kapitalista, may mga aktibista at anti-aktibista, may hetero, homo, bi, at unsure sa kanilang sexual orientation.
Na-witness ko ang madugong ebolusyon ng itsura ni lola patola. Dati cool na lola sya, ngayon bordering on babaeng bakla na (*ahem MKule, mas gusto ko yung dati). Na-experience ko pa na make shift offices ang offices ng DAC at DSS sa RH 220 at RH 227 respectively. Naranasan ko pa ang sobrang hirap na enrollment system lalo na pag late reg ka. Nagkaroon din kami ng tambayan katabi ng "dating" tambayan ng MaSig. Naranasan naming mawalan ng tambayan. Naasar din ako sa unti unting pagtaas ng benta sa Nutrilicious, Smokey's, Tita Crem's at ung isang tindahan na hanggang ngayon di ko alam ang pangalan.
At higit sa lahat, sa UP ko nakilala ang lalakeng ipinalit ko sa ex ko. Hahahaha! Don't get me wrong, mahal ko si Alex kaya nga kami pa rin, almost five years na.
Mahal ko ang UP, hindi lang dahil sa prestige nito, pero dahil sa ideologies at mentality na ipinamana nya sa akin.
Sa mga prof at iba pang taong na-encounter ko sa loob ng limang taon ko sa UP, maraming maraming salamat.
Ngayon, kelangan ko na sauluhin ang UP Naming Mahal kasi kakantahin pala sa graduation. Hahaha.
Congrats batch 09. Congrats OrCom.
Thursday, April 02, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)