Halos isang linggo na kong walang pasok. Kasi ba naman wala talaga kong pasok pag Tuesdays at Fridays tapos di pa ko pumasok nung Lunes, tapos binabagyo kami dito sa Maynila kaya ayun, kanselado ang mga klase. Hindi ko alam kung magsasaya ba ako sa dahil sa totoo lang, wala akong magawa. Gusto ko sanang manood ng Ratatouille pero wala naman akong makasama. Ang lungkot kaya nun! Manonood ka ng isang masayang pelikula tapos mag-isa kang tatawa. Siguro matutulog na lang ulit ako buong maghapon. Hindi rin pala masayang walang pasok lalo na kung wala kang mayayang lumabas.
Busy lahat ng tao o kaya naman walang pera. Hindi ko naman maivolunteer na ililibre ko sila kasi masama sa loob kong manlibre ngayon (with exception to a few people). Kahit anong pilit kong isama sila sa Ratatouille, di rin sila sasama, madidisappoint lang ko. Hindi ko na lang sila yayayain.
Dahil bumabagyo na, gusto kong bumili ng isang magandang trench coat. Yung magandang ipamporma pero hindi kasing haba ng mga coat nila sa Matrix. Masyadong mainit sa Pilipinas para sa ganung kasuotan. Meron akong konting ipon para dito ang problema na lang, wala akong makitang bibilhin.
Medyo sawa na rin ako sa mga games ng laptop ko. Buong araw ko ba namang nilaro lahat ng yun kahapon. Kaya ngayon, bagot na bagot na ko. Siguro dapat sa Lunes, excited na ulit akong pumasok.
Sana may Harry Potter book 7 o kahit anong libro ako para kahit di ako lumabas okay lang. Wala na ring gana ang mga palabas sa TV. Hindi nila napupukaw ang interes ko. Boring, dull, whatever. Wala rin namang makatext ng maayos dahil ang mga taong nanaisin mong magreply hindi mo alam kung tulog pa o ayaw lang talaga magtext.
Para bang lahat ng tao ngayon tamad na tamad. Oo, tama, hindi na lang ako magyayaya para hindi rin ako ma disappoint.
Tulog. Tulog na naman? Kagigising ko lang a. Sabagay, wala namang ibang magawa kaya sige, matutulog na lang ulit ako.
Thursday, August 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment