Hindi nga ba talaga ako malambing? Ano nga ba yung lambing at paano mo to ipapakita sa isang tao?
Siguro kung bata ka, masasabi mong malambing ako. Naguguluhan talaga ako. Dati iniisip ko sila ang may problema kung hindi nila nararamdaman. Lagi kasing nagrereklamo sila Daddy na wala raw akong kalambing lambing sa katawan. Okay lang yun sa kin dati. Isip ko, hindi ko na problema kung hindi n'yo maramdaman basta ako, mahal ko kayo, ipinapakita ko sa paraang kaya ko.
Hindi raw ako nagtetext. E hello! Magtetext ka nga, magrereply ba naman siya? E di wag na lang magtext, sayang lang sa load. Hindi raw ako nagkekwento. Nakikinig ka ba pag nagkekwento ako e wala man lang karea-reaksyon ang mukha mo. Naparaming reklamo pero lahat iisa ang dahilan, hindi raw ako malambing.
Ngayon ikaw naman ang nagrereklamo sa parehas na dahilan na isinusumbat ng tatay ko. Ngayon naiisip ko, siguro ako nga ang mali, ako nga ang dapat magbago. Pero paano ba kasi yung paglalambing na gusto nyo?
Hindi ako kumportableng tratuhin kayong parang bata (paglambing para sa mga batang may edad 0-10 y/o ang kaya ko). Nahihirapan akong magbago dahil unang-una, hindi ko naman alam kung ano ang mali. Kelangan ko bang bigyan pa kayo ng maraming regalo? Kelangan ko bang sumulat pa ng love letter? Kelangan ko bang amu-amuin kayo? E HINDI AKO GANUN EH. Gawin ko man yun, isipin nyo na lang na hindi natural sa akin pag ginawa ko yun.
Hay. Sige.
Tuesday, March 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment