"Tinatamad ka bang dalawing ang
iyong loved ones sa sementeryo?
Text DALAW ON at i-send sa 2366.
Sila mismo and dadalaw sayo! Text na!"
iyong loved ones sa sementeryo?
Text DALAW ON at i-send sa 2366.
Sila mismo and dadalaw sayo! Text na!"
Isa lang yan sa mga jokes tungkol sa undas na natanggap ko kahapon. Yung ibang sinabihan ko na ang mga loved ones na lang namin ang dapat dumalaw sa min, medyo nag freak out. Ayan tuloy, naakusahan pa ko na wala daw akong paggalang sa patay. Sorry sa maooffend pero galangin ko man ang patay o hindi, hindi na rin nila malalaman yun.
Sa totoo lang, nagkaroon ng impact sa akin yung text messages na nagsa-suggest na tayo dapat ang dinadalaw ng mga yumao nating mahal sa buhay. Bakit kamo? Dahil sa totoo naman bukod sa kaligayahang naidudulot ng pagkansela ng mga klase at pasok sa pampamahalaan at ibang pampribadong institusyon, sobrang stress physically, financially at emotionally ang naibibigay ng Undas.
Sa mga balita tuwing undas nandyan kadalasan ang sobrang traffic at pagsisiksikan sa mga pier (physical stress), ang pagiging in demand ng bulaklak, pintura at kandila na hindi naman pinagaatubiliang taasan ng presyo ng mga nagtitinda (financial stress). Nanriyan din ang muling paggunita sa mga maliligayang panahong na kasama ang mga loved ones na minsa'y nagiging dahilan pa ng kanilang maagang pagkamatay (emotional stress). Tsk tsk.
Ganito ba talaga ka-gahul ang tao sa oras at kailangan pang magsiksikan sa mga sementeryo tuwing November 1? Hindi ba nila pwedeng gawin yun, ang pagdalaw at pag-aayos ng puntod, sa ibang araw kung kelan mas konti ang tao, mas mura ang mga paninda, at kung kelan makakapag grave robbing pa?
Anyway, dapat din nating makita ang kabutihang naidudulot ng Undas. Una, nagkakaroon ng instant reunion ang mag-anak. Dito nagkakatipon tipon ulit ang mga kasambahay na matagal nagkawalay. Ang masaya pa, every year nauulit to. Yun nga lang, every year paunti na rin ng paunti ang dumadalaw at parami ng parami ang dinadalaw.
Pangalawa, FOOD. Oo, nagkakaroon ng mga munting salu salo sa mga puntod ng minamahal kung saan matapos iyakan at tirikan ng kandila ang nitso ay lalatagan ng mantel at gagawing dining table ang mga ito. Shet! Dual purpose!
Pangatlo, nagiging malinis at kaaya ayang tingnan muli ang mga sementeryo. Ewan ko kung bakit pero parang may annual schedule ang mga kamag-anak na i-redecorate ang mga nitso/mosoleum/lupa kung saan naroon ang mga namatay ng loved ones.
Siguro marami pang benefits ang Undas na di ko nailagay, kayo na lang bahala magdadagdag. Basta ako, hinayaan kong sila ang dumalaw sa akin. Unfortunately, mukhang hinintay din nila na ako ang dadalaw sa kanila. So, sa katapus tapusan, di din kami nagpangita.

No comments:
Post a Comment